METRO MANILA, Philippines — Sinimulan na ng National Food Authority (NFA) ang distribusyon ng bigas sa mga lokal na pamahalaan sa Metro Manila.
Tinanggap ni San Juan City Mayor Francis Zamora bilang pangulo ng Metro Manila Council (MMC) ang mga bigas mula kay Agriculture Secretary Francis Tiu-Laurel sa bodega ng NFA sa Valenzuela City.
Ang mga bigas ay ibibenta sa pinakamurang P33 kada kilo.
BASAHIN: DA maglalabas ng 3M sako ng NFA rice laban sa mataas na presyo
Ang hakbang ay kasama sa pagtugon ng gobyerno sa idineklarang food security emergency sa bigas.
Layon ng deklarasyon na maibaba ang halaga sa mga pamilihan ng itinuturing na pambansang butil.
Bukod sa 17 na lokal na pamahalaan sa Kalakhang Maynila, tatanggap din ng murang bigas mula sa NFA ang 50 pang local government units sa ibat-ibang bahagi ng bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.