Pasay officials baka kasuhan dahil sa mga illegal Pogos

By Jan Escosio February 19, 2025 - 02:12 PM

PHOTO: Collage of cards and casino chips superimposed over photo of a POGO raid. FOR STORY: Pasay officials baka kasuhan dahil sa mga illegal Pogos
INQUIRER.net stock photo

METRO MANILA, Philippines — Ikinukunsidera ng Presidential Anti-Organized Crime Commission (PAOCC) ang pagsasampa ng kaso laban sa mga lokal na opisyal ng Pasay City dahil sa nagpapatuloy na ilegal na operasyon ng Philippine 0ffshore gaming pperators (Pogos) sa lungsod.

Ayon kay PAOCC spokesman Winston Casio, base sa kanilang obserbasyon, karamihan sa illegal Pogos ay nasa timog na bahagi ng Metro Manila.

Binanggit niya ang mga lungsod ng Pasay, Makati, at Parañaque kung saan may mga operasyon pa ang Pogos.

READ: 6 na South Koreans, 15 Pinoy huli sa hotel basement Pogo hub

Ayon kay kaso pinag-aaralan na ang posibleng kapabayaan sa panig ng pamahalaang-lungsod ng Pasay dahil sa mga nadiskubreng illegal Pogos sa lungsod.

Noong nakaraang Lunes, sinalakay ang isang Pogos hub sa basement ng Heritage Hotel sa Pasay City at bago ito may unang sinalakay na sa P. Zamora, FB Harrison at William streets.

Sinabi pa ni Casio na ang posibleng kapabayaan ay bunga ng pagbibigay ng lokal na pamahalaan ng business permit at lisensya sa illegal Pogos.

 

TAGS: illegal Pogos, Presidential Anti-Organized Crime Commission, illegal Pogos, Presidential Anti-Organized Crime Commission

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

News Hub