Imee Marcos malungkot na patay ‘Isang Bansa, Isang Diwa’ ng ama

METRO MANILA, Philippines — Inamin ni Sen. Imee Marcos na batid niya ang akusasyon sa kanya na namamangka sa dalawang ilog sa pangangampaniya dahil kabilang siya sa mga kandidato ng Alyansa Para sa Bagong Pilipinas, ngunit patuloy ang pagiging malapit kay Vice President Sara Duterte.
Ipinaliwanag ni Marcos na ayaw lamang niya na nahahati ang bansa dahil sa mga isyung pulitikal.
“Masama talaga ang nangyayari sa ating bansa. parang biniyak ang bansa. Yung sabi ng aking ama na ‘isang bansa, isang diwa naisatantabi. Nakakalungkot dahil parang nahahati ang ating bansa. ang Luzon nasa isang panig, ang VisMin nasa kabilang panig. lumalalim ang hidwaan. Ayoko ng ganun,” ani Marcos.
BASAHIN: Imee Marcos lalabanan ang impeachment ni VP Sara Duterte
Idiniin niya na maraming mga isyu at problema na kinahaharap ang bansa at mga Filipino at ang mga ito ang dapat na nabibigyan ng prayoridad.
Idingdag pa niya na sa halip na magsiraan ang mga kandidato dapat ay kanya-kanyang latag na lamang ng kanilang mga plataporma.
Kaugnay naman sa naging banat ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa mga kaalyadong kandidato ni dating Pangulong Rodrigo Duterte, sinabi ng senadora na maaaring may dahilan ang kanyang nakababatang kapatid.
Itinuturing ni Senador Marcos na siya ay isang independent candidate bagamat miyembro ng Nacionalista Party at kabilang sa 12 na kandidato ng Alyansa na suporta ng punong ehekutibo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.