
METRO MANILA, Philippines — Nilinaw ng Philippine Navy (PN) nitong Martes na hindi mga barkong pandigma ng China ang namataan sa karagatan ng Jose Panganiban, Camarines Norte.
Ayon kay Lt. John Emmanuel Sison, director ng Public Affairs Office ng Naval Forces Southern Luzon, mga barko ng French Navy, US Navy, at Japan Maritime Self-Defense Force ang nakita ng mga residente.
Sabi pa ni Sison ang mga ito ay kabilag sa Exercise Pacific Stellar 2025 ng French Navy na isinagawa sa Philippine Sea.
BASAHIN: Chinese research ship nakita malapit sa Occidental Mindoro
Ito rin aniya ang mga nakita malapit sa Polillio Island noong nakaraang araw ng Biyernes, ika-14 ng Pebrero.
Dinagdag pa ni Sison na may walong warships ang nakibahagi sa war exercise. Ang mga ito ay mula sa US, France, at Japan.