Gatchalian: Nagtakbuhan sa mga probinsiya ang mga Pogo
Itinuro ni Senator Sherwin Gatchalian ang mga lokal na pamahalaan sa mga lalawigan na may malaking responsibilidad upang mapigilan ang operasyon ng Philippine Offshore Gaming Operators (Pogos).
Ayon kay Gatchalian, maraming Pogos ang nagpatuloy ng operasyon sa mga lalawigan dahil nalalapit na ang deadline na itinakda ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., at ito ay sa katapusan ng buwan.
Sinabi nito ang sinalakay ng mga ahente ng National Bureau of Investigation na Pogo sa Panabo City, Davao del Norte.
Ay0n sa senador, marami sa mga dayuhan na nahuli ay mula sa mga nagsarang Pogo sa Metro Manila.
Paalala ni Gatchalian, maaaring maparusahan ang mga lokal na opisyal na mapapatunayan na nagpabaya sa kanilang mandato kayat may ilegal na nakapag-operate na Pogo sa kanilang nasasakupan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.