Ang reaksyon ni Coloma ay bilang tugon sa pahayag kamakailan ni Andanar na kanya nang ipinag-utos ang audit sa mga naimprentang tax seals ng National Printing Office at Apo Production Unit Inc., dahil sa sobra sobra umano ito.
Ang mga sobrang tax seals ayon pa kay Andanar ang siyang ginagamit upang makalusot ang mga smuggled na sigarilyo at alak sa bansa.
Ang NPO at ang APO ang natokahang mag-imprenta ng mga opisyal na dokumento ng pamahalaan na nasa ilalim ng PCOO.
Paliwanag nito, dumadaan sa striktong quality control at security ang proseso ng pag-imprenta ng mga opisyal na dokumento upang maiwasang mapeke ito o masobrahan ng kopya.
Palagian aniyang may dalawang opisyal aniya ng BIR ang nangangasiwa sa proseso ng pag-imprenta ng mga revenue stamps.
Kapag may mga ‘reject’ aniya ay agad itong sinisira at maging ito ay sinasaksihan ng mga opisyal ng BIR.
Giit ni Coloma, dapat biniberipika muna ni Andanar ang kanyang mga hawak na impormasyon bago ito isinisiwalat sa publiko.