Ipatupad work from home halip na lagyan ng toll ang EDSA – Villanueva
METRO MANILA, Philippines — Ganap na ipatupad ng Work from Home Law sa halip na sumingil ng toll sa Edsa, hinikayat ni Sen. Joel Villanueva ang gobyerno nitong Biyernes.
Naniniwala si Villanueva na mas nababawasan ang mga sasakyan sa mga lansangan ng Metro Manila kung ganap na maikakasa ang batas — Republic Act No. 11165.
Idiniin niya na epektibo din ang naturang batas sa “work-life balance” bukod sa mas nagiging produktibo ang mga kawani sa pribadong sektor.
BASAHIN: EDSA bus lane balak alisin; MRT 3 trains dadagdagan
Dinagdag pa ni Villanueva, na siyang namumuno sa Senate labor committee, na hindi makatuwiran ang paniningil ng bayad sa pagdaan sa EDSA dahil gumagamit ng personal na sasakyan ang mga kawani dahil hindi nila ganap na naaasahan ang public transport system.
Hindi na dapat aniya dagdagan pa ang gastos ng mga kawani sa kanilang pagta-trabaho.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.