Phivolcs modernization bill niratipikahan na sa Senado

By Jan Escosio February 07, 2025 - 10:16 AM

PHOTO: Composite image of Senate logo and building facade
INQUIRER.net file photo

METRO MANILA, Philippines — Nasa kamay na ng Malacañang ang pagiging ganap na batas ng Phivolcs Modernization Act.

Niratipikahan na sa Senado ang huling bersyon na panukala matapos ang bicameral conference commitee noong nakaraang linggo.

Ayon kay Sen. Alan Peter Cayetano, ang pangunahing may-akda ng panukalang batas, layunin nito na mas maging handa ang gobyerno at mamamayan sa pagtugon sa kalamidad.

BASAHIN: Tolentino inihirit ang simpleng earthquake advisory ng Phivolcs

“Ang magagawa natin ay dapat mas maging handa, mabigyan ng babala ang taumbayan at para na rin mabigyang proteksyon ang kalikasan,” sabi pa ng senador.

Kapag naging ganap na batas, mas magiging moderno ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology sa pamamagitan ng mga mas modernong kagamitan at pagtatalaga ng mga tamang tao sa tamang posisyon sa ahensya.

Nakapaloob sa panukalang-batas ang paglalagay ng seismic monitoring systems sa lahat ng 24 na aktibong bulkan sa bansa mula sa kasalukuyang 10.

Nais din ni Cayetano na mula sa 125 ay magkaroon ng 300 na earthquake monitoring stations sa Pilipinas.

TAGS: Alan Peter Cayetano, Phivolcs modernization bill, Alan Peter Cayetano, Phivolcs modernization bill

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.