Tim Duncan ng Spurs, nag-retiro na

 

Inquirer.net/AP

Inanunsyo na ng power forward ng San Antonio Spurs na si Tim Duncan ang kaniyang pagre-retiro sa National Basketball Association o NBA.

Si Duncan ay tumagal sa Spurs sa loob ng 19 seasons sa NBA, kabilang ang limang championships at 15 na paglahok sa All-Star Game.

Ang 40-anyos na basketball player ay nagsimula talaga sa Spurs at namalagi sa team sa kaniyang buong career.

Tatlong beses ring naging NBA Finals MVP si Duncan, at dalawang beses na regular season MVP.

Agad namang nag-trending sa social media site na Twitter ang hashtag na “#ThankYouTD” kung saan nagpost ang mga fans at ibang mga koponan ng kanilang pasasalamat kay Duncan.

Kabilang sa mga nag-tweet ang team niyang Spurs at sinabing “Nineteen seasons. Five rings. One team. #ThankYouTD.”

Read more...