Hashtag ‘CHexit’ umingay sa bisperas ng desisyon ng UN Tribunal

 

AP photo

Sa bisperas ng paghahayag ng desisyon ng United Nations Arbitral Tribunal sa kahihinatnan ng kasong isinampa ng Pilipinas, naging maingay ang social media at ilang grupo sa paggiit na itigil na ng China ang pag-angkin nito sa malaking bahagi ng West Philippines Sea.

Mula sa terminong ‘Brexit’ na bansag sa pagkalas ng Britain sa European Union, ginamit naman sa pagkakataong ito ang terminong ‘CHexit’ na hashtag ng mga netizens upang paghandaan ang nakaambang desisyon ng tribunal.

Bukod sa Facebook, Twitter at iba ang social media platforms, nagtungo rin ang mga militanteng grupo sa harapan ng Chinese Consulate at iginiit na ihinto ng China ang pambu-bully sa mga kapitbahay nitong bansa.

Una rito, mamaya, inaasahang iaanunsyo ng UN Permanent Court of Arbitration ang resulta ng kanilang pagdinig sa reklamong inihain ng Pilipinas ukol sa panghihimasok ng China sa exclusive economic zone ng bansa.

Taong 2013, nang ihain ng Pilipinas ang kanilang kaso kontra China sa The Hague, Netherlands na kumukuwestyon sa nine-dash line concept nito.

Samantala, umaasa ang Pilipinas na sakaling maging pabor ang desisyon sa ating bansa, ay igagalang ito ng China.

Tiwala ang pamahalaan na papabor ang desisyon ng PCA sa panig ng Pilipinas.

Read more...