
METRO MANILA, Philippines — Umabot sa 215 miyembro ng Kamara ang umaktong complainant sa impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
Inanunsiyo ang pagsang-ayon ng 215 mambabatas sa anim na artikulo ng impeachment para mapatalsik si Duterte sa pagsisimula ng sesyon sa huling araw ng sesyon bago ang Kongreso break simula bukas, ika-6 ng Pebrero.
Pagkatapos na ng midterm elections sa Mayo ng pagbabalik sesyon ng dalawang kapulungan ng Kongreso.
READ: Articles of impeachment laban kay VP Duterte nasa Senado na
Kinailangan lamang ng 106 pirma sa impeachment complaint o one-third ng kabuuang 306 miyembro ng Kamara.
Si House Speaker Martin Romualdez ang sumang-ayon sa mosyon ni Majority Leader Mannix Dalipe (Zamboanga, 2nd District) na agad nang ipadala sa Senado ang impeachment complaint.