PH Embassy nagbabala sa sumisirit na influenza cases sa Japan
METRO MANILA, Philippines — Nagbabala ang Embahada ng Pilipinas sa Japan sa mga Filipino na bibiyahe sa naturang bansa ukol sa dumadaming kaso ng influenza.
Sakop ng abiso maging ang mga Filipino na naninirahan sa Japan.
Pinayuhan ng embahada ang mga turistang Filipino na kumuha ng travel insurance sa kanilang pagbiyahe.
BASAHIN: Koalisyon nais mabigyan ng libreng flu vaccine mga senior
“Pinapayuhan din namin ang mga magbibiyahe na patungong Japan na kumuha ng travel insurance para sa mga hindi inaasahang pangangailangang medikal,” ang abiso ng embahada.
Kasama din sa babala ang paghihikayat na magsuot ng mask lalo na sa mga matataong lugar at tuwing nasa pampublilkong transportasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.