Koalisyon nais mabigyan ng libreng flu vaccine mga senior
METRO MANILA, Philippines — Hinihiling ng Philippine Coalition of Consumer Welfare Inc. sa gobyerno na maglaan ng libreng bakuna kontra trangkaso para sa mga Filipino senior citizens.
Sinabi nitong Biyernes ni Ricardo Samaniego, ang nagtatag ng grupo, na napakababa ng “vaccine uptake” sa nakakatandang populasyon ng bansa dahil sa kamahalan ng bakuna at kakapusan ng information campaign ukol dito.
Base sa pag-aaral, 36.3% lang ng mga Filipino na nasa edad na 60 pataas ang bakunado kontra trangkaso.
Ito ay sa kabila na ang flu mortality rate sa mga senior citizen na 85%.
BASAHIN: Medical experts, Federation of Senior Citizens inihirit ang pagpapalakas ng anti-flu vaccination
Nakasaad sa Expanded Senior Citizens Act of 2010, tanging ang mga mahihirap na senior citizens lang ang maaring mabigyan ng Department of Health ng libreng anti-flu vaccine.
Hinihiling ng grupo ni Samaniego na isama na nito ang lahat ng senior citizens sa bansa, anuman ang estado sa buhay.
Ayon naman kay Roderick Alapar, ang lead convenor ng Bayan Bakuna, dapat ay natuto na ang gobyerno noong nakaraang pandemiya ukol sa pagbibigay ng libreng bakuna.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.