Debate sa BARMM election postponement bill aabangan sa Senado
METRO MANILA, Philippines — Ipagpapaliban lamang ng tatlong buwan ang nakatakdang eleksyon sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Inilatag na ni Senate Deputy Majority Leader JV Ejercito ang final committee report ng pinamumunuan niyang Committee on Local Government.
Nagsagawa ng ilang pagdinig ang komite ukol sa Senate Bill No. 2942, na ang layunin ay amyendahan ang Bangsamoro Organic Law (RA 11054).
BASAHIN: Marcos sa BARMM officials: Tiyaking mapayapa 2025 elections
Sa halip na sa darating na Mayo, inirekomenda ni Ejercito na isagawa ang BARMM election sa darating na Agosto at aniya base sa pagkonsulta sa ibat-ibang kinauukulang sektor.
Ayon kay Ejercito sapat na ang tatlong buwan para lubos na mapaghandaan ng Commission on Elections (Comelec) ang pagsasagawa ng halalan.
Mapapalawig lang din aniya ang termino ng mga kasalukuyang bumubuo sa Bangsamoro Transition Authority (BTA) hanggang sa makapanumpa ang mga bagong halal na opisyal.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.