Todo tulong sa ‘Courageous 17’ na seafarers iniutos ni Marcos
METRO MANILA, Philippines — Inutusan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Department of Migrant Workers (DMW) na ibigay ang lahat ng pangangailangan ng 17 Filipino seafarers na mahigit isang taon na binihag ng Houthi rebels.
Sinabi ito ni Migrant Workers Secretary Hans Leo Cacdac sa pagselebra ng Banal na Misa kasama ang tinaguriang “Courageous 17” at ng kanilang pamilya sa punong tanggapan ng kagawaran sa Mandaluyong City.
“Tulungan natin silang makabangon muli,” ang bilin ni Marcos kay Cacdac.
BASAHIN: Pinalayang 17 Pinoy seafarers pauwi na mula Oman – DFA
Paunang tulong pinansyal, training certificates, at gift bags ang ibinigay sa mga tripulante ng MV Galaxy Leader.
Tiniyak ni Cacdac na tatanggap pa ang mga tripulante ng livelihood assistance, educational assistance sa kanilang mga anak, bagong trabaho at medical assistance.
Binihag ang 17 na tripulante kasama ang walong iba noong Nobyembre 2023 at 428 na araw silang nasa kustodiya ng mga rebeldeng Houthi.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.