Pinalayang 17 Pinoy seafarers pauwi na mula Oman – DFA

METRO MANILA, Philippines — Inanunsyo ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagdating nitong Huwebes ng gabi ng pinalayang 17 Filipino seafarers.
Sinabi ni Foreign Affairs Undersecretary Jose de Vega ang 17 na tripulante ng MV Galaxy Leader ay lalapag sa NAIA alas-9:30 p.m. mula sa Oman.
Labing apat na buwan silang binihag ng Houthi rebels sa Somalia kasama ang walong iba pang tripulante ng naturang cargo vessel.
BASAHIN: Umuwíng 21 seafarers may tig-P150,000 kay Romualdez, misis
Kinumpirma kaninang umaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapalaya sa mga tripulanteng Filipino.
Pinasalamatan ng DFA ang gobyerno ng Oman sa tulong sa pagpapalaya sa mga Filipino.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.