Pangulong Marcos Jr., may bilin sa gaganaping 2025 BARMM elections
Hinikayat ni Pangulong MarcosJr., ang mga opisyal ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) na tiyakin na magiging maayos at mapayapa ang gaganaping unang parliament elections sa rehiyon sa darating na Mayo.
Ang pagbibilin ni Pangulong Marcos Jr., ay bahagi ng kanyang mensahe sa 17th Meeting of the National Government – Bangsamoro Government Intergovernmental Relations Body (IGRB) sa Pasay City kanina.
Pinuri din ng Punong Ehekutibo ang Bangsamoro Transition Authority (BTA) sa mga naipasang batas para sa kaunlaran ng rehiyon,
“I would even venture to say that Bagong Pilipinas is incomplete without a Bangsamoro rising along within it. A stronger BARMM means a stronger Mindanao. A stronger Mindanao means a stronger Philippines, bringing us closer to achieving our agendas,” aniya.
Sinabi lang din niya na ang kapayapaan at kaayusan ngayon sa rehiyon ay masusubukan sa gaganaping eleksyon sa susunod na taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.