NEDA malapit nang kilalanin na DEPDev, ayon kay Zubiri

METRO MANILA, Philippines — Ang National Economic and Development Authority (NEDA) ay makikilala na bilang Department of Economy, Planning and Development (DEPDev).
Ito ang inanunsiyo ni Sen. Juan Miguel Zubiri matapos aprubahan sa bicameral conference committee ang panukalang batas na gawing ganap ng kagawaran ang NEDA.
Ayon kay Zubiri sa pamamagitan ng DEPDev ay mapapag-isa na ang lahat ng development plants ng mga ahensya at lokal na pamahalaan.
BASAHIN: DAP ililipat na sa NEDA
Dahil isa ng kagawaran, ang DEPDev ay pamumunuan na ng isang kalihim, na mangunguna sa Philippine Development Plan ng isang administrasyon.
Kumpiyansa si Zubiri na lilikha ito ng maraming karagdagang trabaho, bukod sa mas uunlad ang Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.