Panibagong dagdag sahod sa gov’t workers nakaamba na – DBM

PHOTO: Amenah Pangandaman FOR STORY: Panibagong dagdag sahod sa gov’t workers nakaamba na - DBM
Budget Secretary Amenah Pangandaman —INQUIRER.net file photo mulâ kay Ryan Leagogo

METRO MANILA, Philippines — Palapit nang palapit ang pagbibigay ng umento sa lahat ng mga kawani ng gobyerno, ayon sa Department of Budget and Management (DBM).

Pinirmahan na ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang National Budget Circular No. 597, na naglalaman ng guidelines sa pagbibigay ng panibago ng taas-sahod ng mga nagta-trabaho sa gobyerno.

Umaasa si Pangandaman na makakatulong ang dagdag sahod sa mga pangangailangan ng pamilya ng kawani at mapagbago ang kanilang katayuan sa buhay.

BASAHIN: Government workers tatanggap ng P7,000 medical allowance

Ito ang second tranche ng Salary Schedule for the Civilian Personnel alinsunod sa Executive Order No. 64 ni Pangulong Marcos Jr., noong nakaraang Agosto.

Simula noong nakaraang taon hanggang 2027 ay taon-taon na magkakaroon ng dagdag sahod ang mga kawani ng gobyerno.

Ang pondo para sa taunang dagdag sahod ay huhugution mula sa Miscellaneous Personnel Benefits Fund na nakapaloob sa pambansang pondo.

Read more...