Government workers tatanggap ng P7,000 medical allowance

By Jan Escosio December 25, 2024 - 12:22 PM

PHOTO: Amenah Pangandaman FOR STORY: Government workers tatanggap ng P7,000 medical allowance
Budget Secretary Amenah Pangandaman —INQUIRER.net file photo mulâ kay Ryan Leagogo

METRO MANILA, Philippines — Pagpasok ng 2025 ay matatanggap na ang bawa kawani ng gobyerno ang P7,000 na medical allowance.

Ito ang inanunsiyo ni Budget Secretary Amenah Pangandaman at aniya kasama sa mga makakatanggap ang mga pampublikong guro.

Inilabas ni Pangandaman ang Budget Circular No. 2024-6 para sa mga alintuntunin sa pagbibigay ng taunang medical allowance sa mga kawani ng gobyerno alinsunod naman sa Executive Order No. 64 na inilabas ng Office of the President noong nakaraang Agosto.

BASAHIN: Marcos dinagdagan yearend ‘tip‘ ng JOs, contractuals sa gobyerno

Mabibigyan ng medical allowance ang mga kawani ng mga ahensiya ng pambansang gobyerno, kasama na ang mga nasa state universities at colleges, maging ang mga nasa korporasyon ng gobyerno.

Sakop ng benepisyo hindi lamang ang mga regular na kawani, kundi maging ang mga casual, contractual, naitalaga o nahalal at ang mga nasa full-time o part-time basis na nakapag-trabaho na ng anim na buwan o higit pa.

TAGS: Amenah Pangandaman, Department of Budget and Management, government workers medical allowance, Amenah Pangandaman, Department of Budget and Management, government workers medical allowance

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.