Panukalang firing squad sa corrupt officials inihain sa Kamara
METRO MANILA, Philippines — Inihain sa Kamara ang isang panukala para sa paggawad ng parusang kamatayan sa mga tiwaling opisyal ng gobyerno.
Sa inihain niyang House Bill No. 11211 — ang Death Penalty for Corruption Act — nais ni Zamboanga City 1st District Rep. Kymer Olaso na ang parusang kamatayan ay sa pamamagitan ng firing squad.
Sakop ng panukala ang pangulo ng bansa hanggang sa pinakamababang opisyal ng barangay.
BASAHIN: Gov’t workers bawal tumanggap at humingi ng Christmas gifts
Ayon sa mambabatas inihain niya ang panukala para patunayan na hindi kinukunsinti ang mga tiwaling opisyal sa bansa.
Pagpapatunay aniya ito na pinahahalagahan sa Pilipinas ang integridad ng mga nagsisilbi sa gobyerno at ang mga pinagkakatiwalaan ng pondo ng bayan.
Binawi ang paggagawad ng parusang kamatayan sa pamamagitan ng lethal injection noong 2006.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.