Sen. Pia Cayetano pursigido sa pag-amyenda sa Vape Law

METRO MANILA, Philippines — Tiniyak ni Sen. Pia Cayetano na isusulong niya ang pag-amyenda sa Vape Law — o Republic Act No. 11900.
Partikular na kinuwestiyon ni Cayetano ang pagkakalipat sa Department of Trade and Industry (DTI) ng regulatory powers sa vape at non-nicotine products mula sa Food and Drug Administration (FDA), na nasa ilalim ng pangangasiwa ng Department of Health.
“Kahit i-Google niyo ang DTI. May mandate ba sila sa health? I always ask DTI, what is your competence?” aniya.
BASAHIN: Tobacco, vape smuggling pinatutukan ni Marcos sa BOC, BIR
Naniniwala ang ang namumuno sa Senate Blue Ribbon Committee na may kahinaan ang batas at may masamang epekto ito sa kalusugan ng mamamayan.
Sabi pa ni Cayetano ang tanging kaalaman ng DTI ay ang pagsusuri sa vaping devices ngunit kailangan pa rin nila ng pharmacists, nurses, toxicologists, addiction specialists, chemical specialists at pediatricians.
Naghain na ng mga panukala si Cayetano para sa nais niyang pag-amyenda sa batas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.