Herbert Bautisa, ex-admin ng QC guilty ng graft – Sandiganbayan
METRO MANILA, Philippines — Hinatulan ng guilty ng Sandiganbayan sina dating Quezon City Mayor Herbert “Bistek” Bautista at dating Quezon City Administrator Aldrin Cuña sa kasong katiwalian.
Hinatulan ang dalawa ng hanggang 10 taon na pagkakakulong, ngunit hindi sila pinagbayad ng danyos.
Nag-ugat ang kaso sa pagbabayad ng P32 milyon sa Geodata Solutions Inc. para sa Online Occupational Permitting Tracking System, na ang layon ay mapabilis ang pakikipag-transaksyon sa city hall.
BASAHIN: Bistek Bautista: Not guilty plea sa P32.1-M graft case
Base sa 146-pahinang desisyon ng korte, binigyan diin ang pahayag ng prosekusyon na binayaran ang naturang IT company kahit walang awtorisasyon mula sa Sangguniang Panglungsod at walang katibayan na nakumpleto ang delivery ng mga kagamitan at serbisyo.
Bunga ng hatol, hindi maaring manungkulan sa anumang sangay ng gobyerno sina Bautista at Cuña.
Nagsilbing alkalde ng lungsod si Bautista simula 2010 hanggang 2019.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.