Nagpasok ng “not guilty plea” si dating Quezon City Mayor Herbert “Bistek” Bautista sa kinahaharap na P32.1 million graft case, gayundin si dating City Administrator Aldrin Cuña sa Sandiganbayan.
Humarap ang dalawa sa 7th Division na pinamumunuan ni Justice Ma. Theresa Dolores Gomez-Estoesta, kasama sina Justices Zaldy Trespeses and Georgina Hidalgo bilang mga miyembro.
Kinasuhan ng kasong paglabag sa Republic Act 3019o ang Anti-Graft and Corrupt Practices Act, dahil sa diumanoy maanomalyang pagbabayad ng P32.107 milyon sa Geodata Solutions, Inc., para sa pagbili ng online occupational permitting and tracking system.
Bago pa ang arraignment, humirit ang mga abogado ni Cuña na maipagpaliban ang pagbasa ng sakdal dahil sa inihain niyang “motion to quash.”
Ngunit hindi siya napagbigyan ni Gomez-Estoesta.
Una na rin ibinasura ng anti-graft court ang mosyon ni Bautista na ibasura na ang kaso dahil sa nalabag aniya ang kanyang karapatan para sa mabilis na disposisyon ng reklamo.
Aniya inabot ng tatlong taon ang preliminary investigation at noon lamang nakaraang Marso pormal na naihain ang reklamo laban sa kanila.
Tinanggihan ng korte ang kanyang petisyon.
Tumanggi si Bautista na magbigay ng pahayag ukol sa kaso at agad na umalis ng Sandiganbayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.