29 retired, active na pulis sa 2022 P6.7-B drug bust ipinaaaresto

By Jan Escosio January 15, 2025 - 03:33 PM

PHOTO: Composite image of PNP headquarters with PNP logo superimposed FOR STORY: 29 retired, active na pulis sa 2022 P6.-7B drug bust ipinaaaresto
Composite image from INQUIRER.net file photos

METRO MANILA, Philippines — Naglabas ng warrant of arrest  ang isang korte sa Maynila laban sa 29 na retirado at aktibong pulis kaugnay sa operasyon noong 2022 na humantong sa pagkakasamsam ng P6.7 bilyong halaga ng shabu.

Ang mga nasabing retirado at aktibong pulis ay nahaharap sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Drugs Act of 2002.

Kabilang sa mga ipinaaaresto ni Presiding Judge Gwyn Calina ng RTC Branch 44 ay sina dating PNP deputy chief for Pperations, Lt. Gen. Benjamin Santos at  sina Brig. Gen. Narciso Domingo, Col. Julian Olonan, at Lt. Col. Dhefry Punzalan.

BASAHIN: 6 pulis-Maynila sibak dahil sa hold-up shooting viral video

Nagtakda ang korte ng P200,000 na piyansa para sa 29 na akusado.

Inasunto sila ng Department of Justice (DOJ) sa paniniwalang “palabas” lamang ang pagkakahuli kay Police Master Sgt. Rodolfo Mayo noong Oktubre 9, 2022 at pagkakadiskubre ng 990 kilo ng shabu sa opisina ng WPD Lending sa Santa Cruz, Maynila.

Nabatid ng Radyo Inquirer na kabilang sa ebidensiya ng DOJ sa alegasyon na “palabas” lamang ng mga pulis ang operasyon ay ang kuha ng isang CCTV camera sa kalapit na gusali.

Lumabas na unang naaresto sa Bambang, Tondo, si Mayo ng walang arrest warrant at wala din record ng sinasabing dalawang kilo ng shabu na nakumpiska sa kanya.

Kasunod nito ay dinala na siya sa opisina ng WPD Lending at hinintay ang pagdating ng mga matataas na opisyal ng pambansang pulisya.

TAGS: drug bust, Rodolfo Mayo, rogue cops, drug bust, Rodolfo Mayo, rogue cops

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.