6 pulis-Maynila sibak dahil sa hold-up shooting viral video

By Jan Escosio January 16, 2024 - 06:47 PM

Inalis sa puwesto ang anim na tauhan ng  Manila Police District (MPD) dahil sa viral video ng pamamaril sa isang robbery suspect sa Sta. Mesa, Maynila noong nakaraang linggo.

Nabatid na rumesponde ang mga pulis at tinangkang disarmahan si Felix Babon na hinoldap ang isang jeepney driver.

May hawak na mga baton at shield ang mga pulis.

Inatake ng suspek ang isa sa mga pulis kayat napilitan ang isang kasamahan nito na barilin si Babon sa hita.

Maraming netizens ang nagbigay ng mga negatibong komento hinggil sa pamamaril sa suspek.

Mahaharap sa mga kasong administratibo ang anim  na pulis-Maynila.

 

TAGS: hold up, MPD, viral video, hold up, MPD, viral video

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.