METRO MANILA, Philippines —Wala nang kakayahan ang New People’s Army (NPA) para guluhin o impluwensiyahan ang papalapit na eleksyon sa Mayo.
Sinabi ito ni Philippine Army spokesman na si Col. Louie Dema-ala dahil sa paghina ng husto ng puwersa ng teroristang grupo.
Aniya isa na lamang sa 89 na guerilla fronts ng NPA ang hindi pa nabubuwag at mahina na rin aniya ang puwersa nito.
BASAHIN: Rebelyón: Babaeng lider ng NPA 17 taóng pagkakakulóng ang hatol
Sa kabila nito, tiniyak ni Dema-ala na nanatili ang militar na naka-alerto at magpapatuloy ang pagsasagawa nito ng internal security operations para matiyak na magiging maayos at mapayapa ang eleksyon sa darating na buwan ng Mayo.
“Wala po tayong let up na gagawin at patuloy natin tutugisin ang natitirang mga lider ng ng armadong grupo,” idinagdag pa ng opisyal.
Kasabay nito, nanawagan si Dema-ala sa mga aktibong rebelde na sumuko at magbalik-loob na sa gobyerno.