Apollo Quiboloy TV interview hindi pinayagan ng korte

PHOTO: Apollo Quiboloy FOR STORY: Apollo Quiboloy TV interview hindi pinayagan ng korte
Apollo Quiboloy (INQUIRER.net file photo)

METRO MANILA, Philippines — Ibinasura ng Pasig City Regional Trial Court (RTC) Branch 159 ang hiling ni Pastor Apollo Quiboloy na makaharap sa isang television interview ukol sa kanyang kandidatura sa pagka-senador sa eleksyon sa darating na Mayo.

Base sa tatlong pahinang desisyon ng RTC, hindi maaring humarap sa panayam sa telebisyon si Quiboloy sa pangamba na maaring matalakay nito ang merito ng kanyang kaso.

Nababahala ang korte na maaring makabuo ng maling pananaw sa korte ang makakapanood ng panayam.

BASAHIN: US nakatutok sa mga kaso ni Apollo Quiboloy sa Pilipinas

Kinilala naman ng korte ang karapatan ni Quiboloy na kumandidato sa halalan, ngunit idiniin na ito ay may limitasyon din.

Naniniwala din ang korte na marami pang paraan upang maiparating ni Quiboloy ang kanyang plataporma sa mga botante.

Nahaharap sa mga kasong qualified human trafficking at child abuse si Quiboloy.

Read more...