Doble plaka sa motorsiklo ibinasura – Ejercito

PHOTO: JV Ejercito FOR STORY: Doble plaka sa motorsiklo ibinasura – Ejercito
Sen. JV Ejercito —File photo mula sa Senate Public Relations and Information Bureau

METRO MANILA, Philippines — Nagkasundo ang mga senador at kongresista na amyendahan ang Motorcycle Crime Prevention Act — o ang “Doble Plaka Law.”

Ito ang ibinahagi ni Deputy Majority Leader JV Ejercito na kabilang sa mga dumalong mambabatas sa bicameral conference committee meeting nintong Martes

Sinabi ni Ejercito na naantala ang produksyon ng plate numbers dahil sa pag-obliga na magkaroon na rin ng plaka sa unahan ng motorsiklo.

BASAHIN: Motorcycle taxis inireklamo sa pag-operate bilang habal-habal

Sa pulong ay nagkasundo ang mga mambabatas na itira na lamang ang plate number sa likurang bahagi ng motorisklo.

Ikinatuwiran  ng senador mas makakabuti na may plaka ang lahat ng mga motorsiklo kaysa obligahin na dalawa ang plaka, lalo na ngayong ang Land Transportation Office (LTO) mismo ay kinakapos sa produksyon ng plate number.

Tinanggihan naman ng mga senador ang panukalang lagyan ng radio frequency identification (RFID) ang mga motorsiklo sa paniniwalang magdudulot na naman ito ng delay sa paglabas ng mga plaka.

Nangako naman ang LTO na sa Hunyo ay burado na ang backlog na siyam na milyon sa mga plaka.

Read more...