Marcos pinatiyak kay Herbosa na tuloy serbisyo ng PhilHealth

PHOTO: Teodoro Herbosa FOR STORY: Marcos pinatiyak na tuloy serbisyo ng PhilHealth kahit zero subsidy
Health Secretary Teodoro Herbosa —File photo mula sa INQUIRER.net

METRO MANILA, Philippines — Inatasan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si Health Secretary Teodoro Herbosa na tiyakin na magtutuloy-tuloy ang lahat ng mga serbisyo ng Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) sa kabila ng kawalan ng subsidiya mula sa gobyerno ngayong 2025.

Ginawa ito ni Marcos sa pakikipagpulong sa ilang miyembro ng gabinete sa Malacañang nitong Martes ng umaga.

Bukod dito, pinagbilinan din ni Marcos si Herbosa na ituon ang pansin sa mga programa ukol sa pag-iwas sa mga sakit at hindi lamang sa paggamot.

BASAHIN: PhilHealth chief tiniyak sa Senado ang expanded benefits

Nabanggit din ni Marcos ang kahalagahan ng digitalisasyon para mas mapagbuti ng DOH ang pagbibigay serbisyo.

Inulit ni Marcos na prayoridad sa 2025 national budget ang kalusugan, edukasyon, agrikultura, ekonomiya, at imprastraktura.

Read more...