Marcos tutol pa rin sa VP Duterte impeachment matapos INC rally

PHOTO: Ferdinand Marcos Jr. FOR STORY: Marcos tutol pa rin sa VP Duterte impeachment matapos INC rally
Pangulong Ferdinand Marcos Jr. —File photo mula sa INQUIRER.net

METRO MANILA, Philippines — Hindi nagbago ang posisyon ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa pagtutol sa impeachment ni Pangalawang Pangulong Sara Duterte.

Ito ang pahayag ni Executive Secretary Lucas Bersamin nitong Martes nang matanong ukol sa posibleng epekto ng isinagawang peace rally ng Iglesia ni Cristo sa posisyon ng pangulo ukol sa impeachment complaint.

Aniya una nang sinabi ni Marcos na pagsasayang lamang ng panahon ang mga hakbang para mapatalsik sa puwesto si Duterte at hindi ito makakatulong sa mamamayan.

BASAHIN: Palasyo hugas-kamay sa impeachment complaint laban kay VP Sara

Naisapubliko din ang text message ni Marcos sa ilang mambabatas ng Kamara na huwag nang sampahan ng impeachment complaint si Duterte.

Inamin ni Marcos na sa kanya nanggaling ang text message at pinanindigan na walang maitutulong ito sa mga programa ng gobyerno para mapagbuti ang buhay ng bawat Filipino.

Dumistansya na ang Malacañang sa mga inihaing reklamo laban kay Duterte sa Kamara.

Read more...