Higit 6.5 milyon deboto inaasahan sa Traslacion ng Nazareno

PHOTO: Quiapo Church at Plaza Miranda FOR STORY: Higit 6.5 milyon deboto inaasahan sa Traslacion ng Nazareno
Ang makasaysayang Quiapo Church ay nasa Plaza Miranda kung saan manggagaling at babalik ng Poong Hesus Nazareno nito ika-9 ng Enero 2025. —File photo kuha ni Ed Lustan | INQUIRER.net

METRO MANILA, Philippines — Higit sa 6.5 milyong mga deboto ng Poong Hesus Nazareno ang inaasahan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) na makikibahagi sa Traslacion sa ika-9 ng Enero.

Sinabi ni NCRPO director, Brig. Gen. Anthony Aberin na magtatalaga siya ng sapat na bilang ng mga pulis para pangalagaan ang kaligtasan ng mga deboto, gayundin ang kaayusan sa prusisyon.

Nabatid ng Radyo Inquirer na noong nakaraang taon, nas 6.5 milyong deboto ang sumama sa Traslacion kayat inaasahan ng NCRPO na mahihigitan ang bilang ngayon taon.

BASAHIN: Higit 6.1-milyon nakibahagi sa pista ng Itim na Nazareno

Higit sa 14,000 na pulis ang itatalaga para magbantay sa lahat ng mga aktibidad na may kaugnayan sa pagdiriwang ng pista ng Poong Hesus Nazareno.

Ipinaalala din ni Aberin na simula sa ika-8 ng Enero ay epektibo na ang gun ban sa Maynila at ang liquor ban sa distansyang 500 metro mula sa mga lugar ng pagdiriwang.

Ipatutupad din ang no-fly, no drone at no-sail zones at ipagbabawal ang mga tindero malapit sa Quiapo Minor Basilica sa oras ng Traslacion, bukod pa sa ipagbabawal ang paggamit ng backpacks at payong.

Read more...