METRO MANILA, Philippines — Bunga ng pananalasa ng sunod-sunod na bagyo noong nakaraang taon, halos kalahati ang nabawas sa suplay ng kamatis.
Ito ang ibinahagi ni Agriculture Assistant Secretary Arnel de Mesa at aniya 45 porsiyento ng suplay ng kamatis ang napinsala ng mga nagdaang kalamidad.
Idinagdag pa niya na ito ang dahilan kayat tumaas ang presyo ng kamatis noong Kapaskuhan na umabot hanggang P300 ang bawat kilo.
BASAHIN: DA nakatutok sa presyo ng mga gulay dahil sa bagyo
May mga social media post na umabot hanggang P400 ang presyo ng kada kilo ng kamatis ilang bago ang araw ng Pasko hanggang sa pagpapalit ng taon.
Ayon sa opisyal, magsisimula ngayon buwan ang produksyon kayat posible na bumalik na sa normal ang presyo ng kamatis sa huling araw ng Enero o unang linggo ng Pebrero.