SC walang pasok sa pista ng Poong Hesus Nazareno

PHOTO: Composite of the Supreme Court facade and logo FOR STORY: SC walang pasok sa pista ng Poong Hesus Nazareno
File photo mula sa INQUIRER.net

METRO MANILA, Philippines — Ipinag-utos ni Chief Justice Alexander Gesmundo ang suspensyon ng pasok sa Korte Suprema sa Huwebes, ika-9 ng Enero kasabay nang pagdiriwang kapistahan ng Poong Hesus Nazareno ng Quiapo.

Awtomatikong suspendido na rin ang trabaho sa mga korte sa lungsod ng Maynila.

Inaasahan naman na sususpindihin na rin ni Presiding Justice Fernanda Peralta ang trabaho sa Court of Appeals.

BASAHIN: Higit 6.5 milyon deboto inaasahan sa Traslacion ng Nazareno

Inanunsiyo naman ni Maria Carina Cunanan, deputy clerk of court and chief administrative officer, na may itatalaga silang skeleton force sa Docket-Receiving Section ng Judicial Records Office at Cash Collection and Disbursement Division, Financial Management and Budget Office ng Korte Suprema.

Unang idineklara ni Pangulong Ferdinannd Marcos Jr. na special non-working day sa Maynila sa Huwebes.

Read more...