4 na BuCor officials sibak dahil sa Bilibid stabbing incident

By Jan Escosio January 06, 2025 - 12:23 PM

PHOTO: New Bilibid Prison FOR STORY: 4 na BuCor officials sibak dahil sa Bilibid stabbing incident
New Bilibid Prison —INQUIRER.net file photo

METRO MANILA, Philippines — Tinanggal sa puwesto ang apat na opisyal ng Bureau of Correction (BuCor) bunga ng insidente ng pananaksak sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa City noong nakaraang linggo.

Ayon sa BuCor, dahil sa insidente na ikinasawi ng isang bilanggo at ikinasugat ng dalawang iba pa pinagdudahan ang sistema ng seguridad sa NBP.

Idiniin ni BuCor Director General Gregorio Pio Catapang na dapat naka-alerto sa lahat ng oras ang kanilang mga tauhan partikular na ang mga nagbabantay sa mga bilanggo.

BASAHIN: BuCor: 1,000 bilanggo pinalaya ngayong Kapaskuhan

Aniya nararapat lamang na may managot dahil sa pagpapabaya.

Ang tinanggal sa puwesto ay sina acting Commander of the Guards Louie Rodelas at Corrections Officers 1 Christian Alonzo, Joshua Mondres, at Glicerio Cinco Jr.

Una na rin hiniling ni Catapang sa National Bureau of Investigation, Commission on Human Rights at pambansang pulisya na magsagawa ng hiwalay na imbestigasyon sa insidente.

TAGS: Bureau of Corrections, NBP stabbing, new bilibid prison, Bureau of Corrections, NBP stabbing, new bilibid prison

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.