BuCor: 1,000 bilanggo pinalaya ngayong Kapaskuhan
METRO MANILA, Philippines — Makakapiling na ng 1,000 bilanggo ang kanilang pamilya sa pagpapalit ng taon matapos silang palayain ng Bureau of Corrections (BuCor).
Ayon kay BuCor Director Gen. Gregorio Pio Catapang, pinalaya ang naturang persons deprived of liberty (PDLs) simula noong Nobyembre 26 hanggang ngayon buwan.
Ngayon umaga, 152 bilanggo sa pambansang piitan sa Muntinlupa City ang pinalaya.
BASAHIN: Mary Jane Veloso nailipat na sa regular dormitory sa CIW
Sabi ni Catapang, simula noong Enero ay 7,707 PDLs na ang pinalaya at kabuuang 18,422 PDLs simula nang manungkulan si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla noong 2022.
Aniya kabilang sa mga bagong laya ang 625 na nakakumpleto ng kanilang sentensiya, 134 na napawalang sala, 38 na binigyan ng probation, 190 na binigyan ng parole, 11 na binigyan ng habeas corpus, at isa ang naaprubahan ng korte ang mosyon.
Tiwala rin si Catapang na mas madaming PDLs ang mapapalaya simula sa bagong taon dahil sa naaprubahan na ang implementing rules and regulations ng RA 10592. Pagbabasehan ito ng pagpapalaya maging sa mga nabilanggo dahil sa karumaldumal na krimen sa pamamagitan ng Good Conduct Time Allowance.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.