METRO MANILA, Philippines — Nadagdagan nang 28 ang bilang ng mga nasaktan at nasugatan sa mga aksidente sa mga lansangan sa huling linggo ng taon.
Ayon sa Department of Health (DOH), hanggang kaninang alas-sais ng umaga, umabot na sa 496 ang bilang ng mga nasugatan o nasaktan sa mga aksidente simula noong Disyembre 22.
Mas mataas ito nang 33 porsiyento kumpara sa naitala sa katulad na panahon noong 2023.
BASAHIN: DOH: 496 nasugatan sa mga aksidente sa mga kalsada nitong Kapaskuhan
Nabatid na may anim na nasawi at apat sa kanila ay sakay ng motorsiklo.
Sa kabuuang bilang, 427 ang walang suot na helmet o hindi ginamit ang seatbelt at 83 sa kanila ang lasing.
Bunga nito, nagpaalala ang DOH na iwasan nang magmaneho kung nakainom ng alak at matulog ng pitong oras bago magmaneho.