METRO MANILA, Philippines — Magsasagawa pa ng mga pagdinig ang Senate Blue Ribbon subcommittee sa madugong kampanya kontra droga ng administrasyong Duterte, ayon kay Senate Minority Leader Aquilino “Koko” Pimentel III.
Pagbabahagi pa ni Pimentel, nabigyan na rin ng kapangyarihan ang pinamumunuan niyang subcommittee na mag-cite for contempt ng resource person kung kakailanganin.
Aniya sa mga naunang pagdinig, tali ang kanilang mga kamay sa mga resource person na alam nilang hindi nagsasabi ng totoo o buong katotohanan.
BASAHIN: Ex-President Duterte handang panagutan ang drug war
Sinabi pa ng senador na maaaring sa Enero ay magpatawag na siya muli ng pagdinig.
Pagtitiyak din ni Pimentel na isa sa kanilang bubusisiin ang “cash reward system” sa hanay ng pulisya na nagsasagawa ng anti-drugs operation.