Niyanig ng Magnitude 4.5 na lindol ang Olutanga Zamboanga Sibugay ngayong umaga.
Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) naitala ang pagyanig alas 9:44, Huwebes ng umaga, sa bahagi ng bayan ng Olutanga.
Tectonic ang origin ng lindol at may lalim na 28 kilometers.
Bagaman mahina lang ang magnitude ng lindol, naitala ang Intensity 2 sa Zamboanga City at Intensity 1 naman sa Dipolog City./ Dona Dominguez-Cargullo
MOST READ
LATEST STORIES