Sentro ng usapan ang 2016 Elections

chiz escudero frowning
Inquirer file photo

“Cordial at relaxed”

Ganito inilarawan ni Senador Francis Escudero ang dinner kasama sina Pangulong Benigno Aquino III, Senator Grace Poe at Department of Interior and Local Government (DILG) Sec. Mar Roxas.

Ayon kay Escudero, naging sentro ng usapin ang 2016 Presidential elections.

Bukod sa 2016 elections, marami pang isyu sa lipunan ang napag-usapan sa naganap na dinner, Miyerkules ng gabi ayon kay Escudero.

Sinabi ni Escudero na mas makabubuting hintayin na lamang ang ilalabas na pahayag ng pangulo kaugnay sa naganap na dinner.

Ayon kay Escudero, Chinese food ang inahin sa dinner kagabi.

Bago ang nasabing dinner Miyerkules ng gabi, si Escudero at Poe ay magkasama nang ipinatawag sa isang pulong sa Malakanyang ni Pangulong Aquino.

Sa naunang pulong, sinabi ni Escudero na walang pwestong inialok ang pangulo at sa halip ay iginiit lamang sa kanila ni PNoy ang pagnanais nitong suportahan din ng mga kowalisyong sumuporta sa kaniya noon ang sinumang mapipili niyang maging standard bearer para sa 2016 elections./ Chona Yu

Read more...