2 katiwala sa bakery shop sa Jolo, Sulu, patay sa pamamaril

jolo suluPatay ang dalawang katiwala sa Breadbox Bakery sa Scott Road, Barangay Asturias, Jolo, Sulu matapos pagbabarilin ng hindi pa nakilalang mga suspek.

Ang dalawang biktima ay nakilalang sina Benjie Macalundag at Mermar Carnal, pawang 21 anyos, habang sugatan naman si Reneboy Anguis, 26 anyos.

Ayon sa Jolo Municipal Station, apat na hindi na nakilalang mga suspek ang namaril sa nasabing bakery shop kahapon (Linggo) ng umaga.

Agad tumakas ang mga suspek sakay ng dalawang motorsiklo.

Kasalukuyan namang ginagamot sa Sulu Provincial Hospital si Anguis.

Extortion sa may-ari ng bakery ang pinaghihinalaang sanhi ng pagpapaulan ng bala sa establisyimento.

 

 

Read more...