Mary Jane Veloso nailipat na sa regular dormitory sa CIW

By Jan Escosio December 27, 2024 - 03:20 PM

PHOTO: Mary Jane Veloso FOR STORY: Mary Jane Veloso nailipat na sa regular dormitory sa CIW
Mary Jane Veloso —Larawan mula sa Veloso family

METRO MANILA, Philippines — Nailipat na sa isang regular dormitory sa Correctional Institution for Women (CIW) si Mary Jane Veloso, ayon sa pahayag ngayong Biyernes ng Bureau of Corrections (BuCor).

Ang dormitoryo na pinaglipatan kahapon sa dating OFW ay sa Reception and Diagnostic Center matapos siyang sumailalim sa limang araw na quarantine period.

Ayon kay CIW acting superintendent. Corrections Technical Supt. Marjorie Ann Sanidad, mas makakabuti ito kay Veloso dahil makakasamuha na niya ang mga kapwa persons deprived of liberty (PDL).

BASAHIN: Mary Jane Veloso mabibisita sa Pasko ng pamilya – BuCor chief

Ibinahagi ng opisyal na makakasama ni Veloso sa dormitoryo ang 30 na bagong pasok din na mga PDL.

Mananatili sa dormitoryo si Veloso ng 55 na araw para sumailalim sa orientation, diagnostics at classification.

Kasabay nito, ipinag-utos ni BuCor Dirrector General Gregorio Catapang na maisalin sa English o Filipino ang prison records ni Veloso na mula sa Indonesia dahil ito ay nasa wikang Bahasa.

Aniya kailangan itong gawin para masuri nila ang mga dokumento at malaman kung maari itong kilalanin ng BuCor alinsunod sa kanilang sariling mga regulasyon at polisiya.

TAGS: correctional institution for women, mary jane veloso, correctional institution for women, mary jane veloso

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.