Pinuna ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa ang kampaniya kontra droga ng administrasyong Marcos.
Ibinigay na halimbawa ng senador ang pagiging aktibo raw muli ng operasyon ng mga sindikato ng droga.
Patunay aniya ito ng mga nangyayaring krimen, at konektado raw ang droga at kriminalidad.
Sabi pa niya, kung muling mabibigyan ng pagkakataon na pamunuan ang pambansang pulisya, gagawin niya muli ang kanyang mga nagawa sa “war on drugs” sa ilalim ng administrasyong Duterte.
Ilang beses nang sinabi ni dela Rosa na wala siyang pinagsisisihan sa pagkasa nila noon ng mga operasyon laban sa droga kahit na nahaharap siya ngayon sa kaso sa International Criminal Court. Inirekomenda rin ng Kamara ang pagsasampa ng kaso laban sa kanya.
Magugunita na libo-libong Filipino ang pinatay noong war on drug ng administrasyong Duterte.