
Makararanas nang malakas na pag-ulan ang ilang bahagi ng bansa ngayon araw, Disyembre 30.
Dahil ito sa shear line, o nagbabagong direksyon ng hangin, na nakakaapekto sa silangang bahagi ng Central at Southern Luzon.
Intertropical convergence zone (ITCZ) ang nakakaapekto sa Palawan, Visayas at Mindanao at amihan naman sa Hilagang Luzon at natitirang bahagi ng Central Luzon.
Base sa inilabas na Weather Advisory No. 58 ng Pagasa kaninang alas singko ng umaga, katamtaman hanggang malakas na pag-ulan ang mararanasan sa Cagayan, Apayao, Isabela, Aurora, Quezon, Camarines Norte, Palawan, Sorsogon, Northern Samar, Samar, Eastern Samar, Biliran, Leyte, Southern Leyte, Negros Oriental, Siquijor, Zamboanga del Norte, at Dinagat Islands.
Bukas, bisperas ng pagpasok ng bagong taon, maaaring maging malakas pa rin ang buhos ng ulan sa Eastern Samar, Dinagat Islands, at Surigao del Norte.
Sa unang araw ng 2025 sa Miyerkules, posibleng maging malakas ang buhos ng ulan sa Northern Samar, Eastern Samar, Leyte, Albay, Sorsogon, Dinagat Islands, at Surigao del Norte.