METRO MANILA, Philippines— Sa bisperas ng bagong taon inaasahan na matutuldukan ang pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo at mapapalitan ng bawas-presyo.
Sinabi ni Assistant Dirrector Rodela Romero ng Department of Energy – Oil Management Bureau na maaring matapyasan ng 30 centavos hanggang 65 centavos ang presyo ng kada litro ng gasolina.
Ang krudo o diesel naman, sabi pa ni Romero, ay maaring bumaba ang presyo ng 30 centavos hanggang 55 centavos at ang kerosene o gaas naman ay 80 centavos hanggang 90 centavos ang maaring ibaba.
BASAHIN: Mas mura ang kuryente mula sa nuclear energy – JV Ejercito
Dagdag pa ng opisyal, maari pang magbago ang magiging paggalaw sa mga presyo at malalaman lamang ang pinal na ibaba ng halaga ng mga produktong-petrolyo sa darating na Lunes.
Ang pagbabago sa mga presyo ay bunga ng paggalaw ng halaga ng langis sa pandaigdigang merkado.