Marcos dinagdagan yearend ‘tip‘ ng JOs, contractuals sa gobyerno
METRO MANILA, Philippines — Itinaas sa P7,000 ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang “yearend gratuity pay” sa contract of service at job order workers sa gobyerno.
Ang halaga ay mula sa P5,000 noong nakaraang taon.
Base sa Administrative Order No 28 ng Punong Ehekutibo ang lahat ng COS at JO workers na nakapagtrabaho ng apat na buwan hanggang noong Disyembre 15 ay tatanggap ng buong P7,000.
BASAHIN: P20,000 na incentive sa gov’t employees aprub ni Marcos
Samantala ang wala pang apat na buwan sa trabaho naman ay bibigyan ng “pro rata basis” na gratuity pay.
Ang mga lokal na pamahalaan ay hinihikayat din na magbigay ng “gratuity pay” sa kanilang COS at JO workers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.