Huling araw ngayong Martes ng pagbibigay ng 13th month pay
METRO MANILA, Philippines — Ipinaalala ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga negosyante na ngayon, ika-24 ng Disyembre, ang huling araw ng pagbibigay ng 13th month pay sa kanilang mga empleyado.
Sinabi ni Labor Secretary Bienvenido Laguesma na ito ay alinsunod sa Labor Code of the Philippines at Presidential Decree No. 851.
Aniya ang pagbibigay nitong bonus na ito ay pagpapatunay ng pagmamalasakit ng mga negosyante sa kanilang mga empleyado.
BASAHIN: Marcos dinagdagan yearend ‘tip‘ ng JOs, contractuals sa gobyerno
Kasabay nito, hinikayat ni Laguesma ang mga empleyado na iulat sa kagawaran ang hindi pagbibigay ng kanilang amo ng 13th month pay.
Una na rin ipinaliwanag ng DOLE na ang 13th month pay ay hindi “Christmas bonus,” na ang pagbibigay ay depende sa kakayahan o desisyon ng kompaniya.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.