Marcos pipirmahan 2025 national budget sa Disyembre 30 – Palasyo

PHOTO: President Ferdinand Marcos Jr. FOR STORY: Marcos pipirmahan 2025 national budget sa Disyembre 30 – Palasyo
President Ferdinand Marcos Jr. (INQUIRER.net file photo)

METRO MANILA, Philippines — Matatapat sa darating na Rizal Day, ika-30 ng Disyembre 30, ang pagpirma ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., sa panukalang P6.352- trillion na 2025 national budget, ayon sa Malacañang.

Sinabi ni Communication Secretary Cesar Chavez na inaasahan na pipirmahan ni Marcos ang panukalang pambansang pondo matapos ang mga dadaluhang aktibidid kaugnay sa paggunita araw ng kamatayan ni Dr. Jose Rizal.

Isa sa mga aktibidad ay ang pag-aalay ng mga bulaklak ni Marcos sa bantayog ni Rizal sa Luneta umaga ng ika-39 Disyembre, araw ng Lunes.

BASAHIN: Marcos umaasang mapirmahan 2025 budget bago matapos taon

Unang ipinagpaliban noong  ika-20 ng Disyembre ang pagpirma sa pambansang pondo dahil sa mga kontrobersiya ng pagtanggal, pagbawasm at paglilipat ng pondo sa ibat-ibang ahensiya.

Dalawang ulit na pinulong ni Marcos ang kanyang economic team para maisaayos ang pondo ng mga ahensiya.

Read more...