Marcos umaasang mapirmahan 2025 budget bago matapos taon
METRO MANILA, Philippines — Umaasa si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na bago ang pagpasok ng bagong taon ay napirmahan na niya ang panukalang P6.352-trillion 2025 national budget.
Ito ang sinabi ni Communications Secretary Cesar Chavez, at aniya noon lamang nakaraang Biyernes, ika-20 ng Disyembre, natanggap ng Malacañang ang kopya ng isinusulong na 2025 General Appropriations Act.
Ngayon araw ng Lunes muling nakipagpulong si Marcos sa bumubuo ng economic cluster ng kanyang gabinete at muling sinuri ang panukalang pambansang pondo.
BASAHIN: Pres. Marcos, binalaan ni Sen. Imee vs advisers sa 2025 budget
Magugunita na noong nakaraang Biyernes din itinakda ang pagpirma niya sa panukalang pambansang pondo ngunit ipinagpaliban ito dahil sa mga isyu ng pagtapyas sa pondo ng mahahalagang ahensiya, kasama na ang Department of Education (DepEd) at Department of Health (DOH).
Ayon pa kay Chavez walang nabanggit sa pulong kaugnay sa reenacted budget sa susunod na taon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.