Purchase booklet di na kailangan sa pagbili ng seniors ng gamot – DOH

PHOTO: Senior citizens in San Marcelino town in Zambales wait for the distribution of their P3,000 social pension from the government on Thursday, Nov. 18, 2021. FOR STORY: Purchase booklet di na kailangan sa pagbili ng seniors ng gamot – DOH
Senior citizens in San Marcelino town in Zambales wait for the distribution of their P3,000 social pension from the government on Thursday, Nov. 18, 2021. (Photo courtesy of San Marcelino Public Information Office)

METRO MANILA, Philippines —Hindi na kakailanganin pa ng senior citizens na magpakita ng purchase booklet para mabigyan ng 20 porsiyentong diskuwento sa mga gamot.

Inanunsiyo ito ni Health Secretary Ted Herbosa at nakapaloob sa pinirmahan niyang Administrative Order No. 2024-0017.

Ayon sa kalihim, bilang isa ding senior citizen batid niya ang dagdag intindihin sa pagddaala ng purchase booklet.

BASAHIN: House bill sa 20% off sa promo items para seniors, PWDs lusot

Idiniin niya na kailangan ng mga nakakatanda ang mga gamot kayat hindi na dapat sila pahirapan sa pagbili ng mga ito.

Sa pagbili ng senior citizens ng mga gamot, kailangan na iprisinta ang senior citizen ID, ang purchase booklet, at ang reseta ng kanilang mga gamot.

Alinsunod na rin sa RA 9994 o ang Expanded Senior Citizens Act of 2010, ilang probisyon ng AO No, 2010-0032 at AO No. 2012-0007 ang nirebisa.

Read more...